Isinawalat ng Department of Migrant Workers na hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang marino simula pa noong nakaraang taon.
Sa imbestigasyon ng kagawaran, natuklasan na ang manning firm na nag-deploy sa nawawalang seafarer na si Ralph Bobiles ay wala umanong sapat na aksyong ginagawa hinggil rito.
Kaya naman, nagpahayag ng pagkadismaya ang kasalukuyang kalihim ng Department of Migrant Workers na si Secretary Hans Leo Cacdac.
Giit niya, hindi sila kuntento sa mga ibinahaging pagpapaliwanag ng manning firm sa tunay na nangyari sa kaso ng nawawalang marino.
Dahil dito, sinuspinde ng kagawaran ang lisensya ng agency na siyang responsable sa pag-deploy kay Ralph Bobiles sa barko.
‘We are taking immediate action, we are not satisfied with the explanation of the license-manning agencies. Actually, the lack of an explanation from the license-manning agency, and therefore, we have suspended the license-manning agency,’ pahayagi ni Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers.
Dagdag pa niya, napag-alaman din umano na hindi man lamang iniulat ng mga crew ang naturang insidente sa awtoridad na siyang makokonsidera na isang malaking kapabayaan.
Samantala, mariin namang sinabi ni Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers na wala silang balak bawiin ang suspension hangga’t hindi pa tuluyang nareresolba ang kaso ng pagkawala.