-- Advertisements --
Nagbuga ng makapal na abo ang Shiveluch volcano na matatagpuan sa silangan Kamchatka region sa Russia.
Umabot sa 20 kilometro ang taas na buga ng abo.
Natabunan ng abo mula sa bulkan ang mga sasakyan at gusali na matatagpuan sa Ust-Kamchatsky na ito ay may layong 90 kilometro mula sa bulkan.
Nabalot naman ng makapal na abo na mayroong lawak na 400 by 250 kilometers na ito ay kumalat sa west at south ng bulkan ayon na rin sa Geophysical Survey.
Inilagay naman ng Volcanology and Seismology of the Far Eastern Branch ng Russia Academy of Science (RAS) sa pinakamataas na alerto ang lugar dahil sa pagiging aktibo pa ng bulkan.