-- Advertisements --
SENATE COMMITTEE GCTA BUCOR NBP

Nagpahiwatig si Senator Frank Drilon na isa umanong aktibong mataas na opisyal sa PNP ang nagbibigay proteksiyon sa ilang tiwalang pulis na sangkot sa illegal drug trade.

Ayon sa Senate minority leader, “na-shock” siya sa naturang impormasyon na ibinulgar ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ginanap na executive session kahapon ng Senate justice and human-rights committee at blue ribbon committee.

Ang close door session sa mga senador ay kasunod nang request ni Magalong.

Sa open session ng hearing kinumpirma kasi ni Magalong na noong aktibo pa siya sa serbisyo ay umiiral din ang tinaguriang “Agaw-Bato” scheme na ibinebenta ng ilang tiwaling pulis ang mga illegal drugs na nakukumpiska.

Aminado si Drilon na wala namang sinasabi na ang PNP official ay kasabwat o kumita sa drug trade.

Pero ang natukoy raw na PNP officer ay maaaring pabaya sa trabaho o kaya maluwag sa mga tauhan na may iligal na gawain.

Nang matanong naman ay tumangging pangalanan ni Mayor Magalong kung ano ang kanyang isiniwalat sa close door meeting sa Senado dahil mahigpit daw siyang pinagbabawalan na magsalita sa mga pinag-usapan sa isang executive session.

gcta HEARING SENATE