-- Advertisements --

Nauwi sa tabla o deadlock ang World Chess Championships 2018 sa pagitan ng mga super grandmasters na sina GM Magnus Carlsen ng Norway at GM Fabiano Caruana ng Amerika.

Makalipas ang 12 games, nagtapos sa London ang score ng dalawa na tig-anim na score makaraang maitala ang 12 draws.

Gayunman, maraming mga eksperto ang bumatikos sa resulta ng laro na nagtapos makalipas ang 31 moves sa loob ng tatlong oras.

Ang long time champion kasi na si Carlsen ang nag-alok na draw habang hawak ang itim na piyesa sa kabila na siya ang abanse sa nalalabing oras at posisyon.

Maging ang chess legend at dating world champion na si Garry Kasparov ay nagulantang din.

“In light of this shocking draw offer from Magnus in a superior position with more time, I reconsider my evaluation of him being the favorite in rapids. Tiebreaks require tremendous nerves and he seems to be losing his,” ani Kasparov.

Ang dalawang magkaribal ay nasorpresa rin sa kinalabasan ng laro.

“I wasn’t necessarily going for the maximum,” wika pa ni Carlsen na umamin na kontento lang sana siya matapos ang move 20. “I just wanted a position that was completely safe, (but) where I could put some pressure. If a draw hadn’t been a satisfactory result, obviously I would have approached it differently.”

Para kay Caruana naniniwala rin siya na nasa advantage ang itim na piyesa kaysa sa kanya.

“I was a bit surprised by the draw offer. I can never be better (than move 31). And I don’t really have any active ideas. If anything, black is better. At least I thought I was over the worst of it. I thought it was much more dangerous a few moves ago.”

Si Carlsen, 27, ang kinikilala ngayon na three-time defending champion habang si Caruana, 26, ang unang American contender sa korona mula noong dekada sitenta sa panahon pa ni GM Bobby Fischer.

Bukas isasagawa ang best of four rapid games, kung magtabla pa rin ay gagawin ang blitz game at kung mag-draw pa rin, lalaruin ng dalawa ang sudden death na Armageddon match.