Tinapos na ng Sweden ang pangarap na ikatong titulo ng Germany matapos itala ang 2-1 come from behind win nitong Sabado sa women’s World Cup quarterfinals.
Ipinasok ni Lina Magull ang unang puntos ng Germany ngunit tumugon ang Sweden sa pamamagitan ng 22nd minute-goal ni Sofia Jakobsson.
Ilang minuto makalipas ang simula ng second half, sinipa ni Stina Blackstenius ang ikalawang puntos ng Sweden, at hindi na nila kailanman nilingon ang Germany.
Kasabay nito, tinuldukan din ng Sweden ang kanilang 11-game losing streak sa Germany na nagsimula pa noong 1995.
Makakatunggali ng Sweden sa semifinals ang Netherlands, na tinalo naman ang Italy, 2-0.
Ang Sweden, Netherlands, at ang Great Britain ay na-qualify na rin sa 2020 Olympic Games sa Tokyo bilang top three European teams sa World Cup.
Hindi naman mabibigyan ng tsansa ang Germany na depensahan ang gold medal na nasungkit nila noong Rio 2016.