-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ni Kazakhstan President Kassym-Jomart Tokayev sa mga sundalo nito na patayin ng walang babala ang mga nagsasagawa ng madugong kilos-protesta.

Ang nasabing hakbang ay kaniyang ipapatupad dahil sa patuloy na kaguluhan.

Halos mag-isang linggo na ng magsimula ang kilos protesta laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga langis.

Mula noon ay aabot na sa 18 mga sundalo at 26 na mga “armed criminals” na ang nasawi sa nasabing kilos protesta.

Nasa mahigit 3,000 mga katao na rin ang kanilang ikinulong.

Sinimulan ng mga protesters ang kanilang pagkilos sa Mangystau region at ito ay mabilis na kumalat sa Almaty City at sa capital na Nur-Sultan.