Isasailalim muli sa training lalo na sa pagbaril ang mga kapulisan gamit ang ibat-ibang uri ng armas para mas mapagaling pa at mapahasa ang kanilang shooting skills.
Nais kasi PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na maging magaling na imbestigador ang mga pulis at magaling na shooter.
Ayon kay Cascolan sa sandaling maging efficient ang mga pulis, tiyak epektibo ang mga ito sa kanilang trabaho lalo na sa pag iimbestiga sa mga kasong hawak nila.
Sigurado din na striktong susunod ang mga ito sa rule of law na may pag respeto sa karapatang pantao.
Dagdag pa ni Cascolan, magkakaroon din ng decisive stance ang mga pulis kung kailan magpaputok at saan dapat barilin ang isang suspek sa sandaling mahaharap sila sa isang krisis.
Nilinaw naman ni Cascolan na ang pagsa-ilalim muli sa shooting training sa mga pulis ay hindi ibig sabihin mahina pumutok ang mga ito.
Layon lang nito na makapag buildup ng confidence sa mga pulis lalo na duon sa mga nagpapatrulya sa mga kalye.
Sa nasabing pagsasanay, tuturuan ang mga pulis kung paano mag operate ng ibat-ibang uri ng armas.
Sinabi ni Cascolan layon lamang ng nasabing hakbang para maiwasan ng mga pulis na malagay sila sa alanganin at mabalikan sa kanilang maling desisyon lalo na sa pagbaril sa isang suspek.