-- Advertisements --
VP Leni Robredo ICAD drugs

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga kasamahan sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na bumuo ng short-term plans kaugnay ng pagsugpo sa iligal na droga.

Isa ito sa mga unang suhestiyon ng bise presidente sa ICAD bilang co-chairperson matapos mabatid na may binuong batayan ang mga opisyal para masukat ang tagumpay ng war on drugs campaign.

“DDB (Dangerous Drugs Board) and the ICAD also already has incorporated the indicators for success doon sa ano iyon, PADS — Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy. It’s already incorporated in that. Mayroon lang akong mga sinuggest na additional metrics. Halimbawa, kasi very detailed, I think there were 81 na indicators for success,” ani Robredo.

“Ako, mayroon lang akong dinagdag… huwag lang nating kuwentahin iyong drug surrenderees pero ang kuwentahin natin kung ano ba iyong nangyari doon sa drug surrenderees. Huwag na nating kuwentahin kung ilan iyong nagpa-rehabilitate pero kuwentahin natin kung ano iyong nangyari doon sa nirehabilitate, and I suggested that the indicators for success were very good.”

Aminado ang bise presidente na may kailangan silang habulin dahil dalawa’t kalahating taon na lang ang natitira sa termino ng administrasyon, kaya target nito na bago matapos ang taon o sa 2020 ay may maabot ng accomplishments ang ICAD.

“Pero ang hiningi ko lang, because we only have two and half years left na magkaroon ng mga short-term na targets kasi the targets were indicated were for the rest of the term. Iyong sa akin lang ang sinuggest ko sa kanila, na baka puwede naming hatiin—hindi naman hatiin, parang lagyan ng mga time-bound na mga targets like for the end of 2019, ano iyong hino-hope natin na ma-achieve.”

“Iyong establishment of rehabilitation centers, ilan ba iyong target natin until the end of 2019? For example, ang target na natin, lahat dapat na regions mayroon na. Halimbawa, kapag sinabi natin na gusto natin na maging drug-free na iyong mga barangay, mahirap kasi kung maging drug free iyong mga barangay until June 30 of 2022. So ang suggestion ko, baka mayroon na tayo for this year kasi mayroon pang 18,000 na hindi pa drug-free. So ang suggestion ko, baka iyong quantifiable at saka realistic na targets gawin namin na time-bound na.”

Samantala, nananatiling bukas din naman ang pintuan ni Robredo na humingi ng tulong sa United Nations (UN) hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Aminado ang pangalawang pangulo na nakumbinsi siya kampanya ng pamahalaan batay sa mga impormasyong iprenisenta ng ICAD.

Kung si Robredo ang tatanungin, pipillin daw muna niya na maging pribado para sa bansa ang pagsasaayos ng issue, pero handa pa rin umano siyang papasukin ang independent bodies kapag nabatid na hindi nagiging tapat ang pamahalaan sa kampanya nito.

“I have said this time and again, that I feel that our problems should first be solved internally.”

“If I believe that the government is not doing anything to, you know, punish whoever needs to be punished or to put to justice whatever needs to be put to justice, then I don’t have any problems with inviting them over—inasmuch as I have always said that if there’s nothing to hide, then what are we fearful for?”

Ayon kasi sa bise presidente, bago pa siya naitalaga bilang ICAD co-chair ay nakipag-ugnaya na rin siya sa UN-ODC (Office on Drugs and Crime) na nagsasaliksik tungkol sa war on drugs ng iba’t-ibang bansa.