-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Simula na umano ang shortage sa poultry products sa Region 2 dahil sa African swine fever (ASF).
Ayon kay Mayor Miguel Decena ng Enrile, Cagayan at isang poultry raiser na nagsu-supply ng poultry sa buong rehiyon at sa Ilocos, lumalaki ang demand sa poulty products dahil sa takot ng ilang mamamayan na kumain ng karne ng baboy dahil sa ASF.
Bukod dito, ipinagbawal ang pagpasok ng buhay na baboy at pork by products sa Isabela.
Dahil dito, sinabi ni Decena na posibleng tumaas ang presyo ng manok bagama’t sa ngayon ay stable pa ang presyo nito na P98 per kilo ang farm gate price.