-- Advertisements --

Binawi ng Supreme Court, na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang inilabas nitong show cause order laban kay Solicitor General Jose Calida at Manila Times journalist Jomar Canlas.

Ayon sa isang source, biglang binawi ng tribunal ang show cause order na nag-uutos kay Calida at Canlas na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat i-held in contempre ng korte dahil sa naging koneksyon nila para i-inhibit si Associate Justice Marvic Leonon mula sa Robredo-Marcos election protest case.

Nagpadala uano si Leonen ng sulat sa kaniyang mga kasamahan kung saan nakasaad daw dito na mas makakabuti kung magpapatawad na lang ito kaysa dagdagan ang problema.

Una nang itinanggi ng PET ang magkahiwalay na mosyon na inihain nina dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Calida na nagnanais tanggalin si Leonen sa mga gaganaping proceedings ukol naman sa electoral protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Kapwa kasi pinagbibintangan nina Marcos at Calida si Leonen na bias umano sa pamilya Marcos.

Sinabi ni Marcos na kailanman ay hindi sila nagsabuwatan ni Calida tungkol dito, kahit pa tumulong ang huli sa kampanya ng una noong 2016 elections.

Humiling naman ang kampo ni Robredo na imbestigahan ng PET ang posibleng pagsasabuwatan ng dalawa.