Naglabas na ng show cause order si DILG Sec Eduardo Ano laban sa 10 local chief executives dahil sa missing ang mga ito sa kanilang mga bayan noong kasagsagan ng pananalasa ng supertyphoon Rolly.
Ayon kay Año, tanging 10 officials sa kabuuang 1,047 local chief executives (LCEs) ang wala sa kanilang mga lugar para personal na i-supervise ang kanilang mga bayan sa mga gagawing disaster preparedness at para tiyakin na nasa maayos na kalagayan ang kanilang mga constituents.
Giit ng kalihim malinaw na nakasaad sa guidelines ng Operation Listo ng DILG na dapat nasa kani-kanilang mga lugar ang mga alkalde para imando ang mga gagawing aksiyon para matiyak na makamit ang zero casualties.
Siniguro naman ni Ano na mananagot ang mga opisyal na absent sa tuwing may kalamidad.
Sa kabila ng may 10 LCEs ang pasaway, sa kabuuan kontento ang kalihim sa naging performance ng mga LGUs sa pagresponde sa kalamidad lalo na noong kasagsagan ng bagyong Rolly.