Sinibak ang show director ng Olympics opening ceremony isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng Tokyo 2020 Olympics.
Lumabas kasi ang mga video ni Kentaro Kobayashi noon pang 1990 na ginawang biro ang nangyaring holocaust.
Sinabi ni Japanese Olympic chief Seiko Hashimoto na ang video ay isang pangungutya sa kasaysayan.
Ayon naman kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ang komento ni Kobayashi ay isang malaking kahihiyan.
Humingi naman ng paumanhin si Kobayashi dahil sa ginawa nito.
Ang pagsibak sa show director ay isa lamang sa mga personahe na tinanggal o umalis noong nakaraang mga buwan.
Nitong nakaraang araw ay nagbitiw ang composer ng Olympic dahil umano sa pag-bully sa kaklase nitong may kapansanan.
Noong Marso ay umalis din si Olympic creative chief Hiroshi Sasaki matapos ang suhestiyon nito na ang plus-sized comedian na si Naomi Watanabe ay maaaring lumabas bilang “Olympig”.
Napilitang bumaba rin sa kaniyang puwesto si Yoshiro Mori bilang head ng organasing committee matapos na batikusin ang mga kababaihan dahil sa pagiging madaldal ng mga ito tuwing mayroong pagpupulong.