-- Advertisements --

Nagpasya ang bandang Ben&Ben na ipagpaliban ang kanilang mga show sa Dubai.

Ito ay dahil dinapuan ng COVID-19 ang ilang mga miyembro ng banda.

Sa social media account ng grupo, sinabi nila na kahit na gusto nilang ituloy ang pagtugtog sa Dubai ay hindi nila magagawa dahil maging ang ilang miyembro ng kanilang staff ay nahawaan din.

Humingi sila ng pag-unawa at pasasalamat sa mga fans.

Nakatakda nilang ianunsiyo sa mga susunod na araw ang bagong petsa ng nasabing show.