-- Advertisements --
Nakansela ang taunang Made In America festival ng American rapper na si Jay-Z.
Sa kaniyang social media account sinabi nito na dahil sa hindi makontrol na problema sa production ay hindi na matutuloy ang nasabing festival concert nito na gaganapin sana sa Philadelphia sa buwan ng Setyembre.
Sa nasabing concert sa Setyembre 2 at 3 sa Benjamin Franklin Parkway ay makakasama sana nito ang singer na sina Lizzo at SZA.
Sinabi nito na ang nasabing desisyon ay mahirap para sa kanila.
Nagsimula ang nasabing festival mula pa noong 2012 na bahagyang nahinto ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.