-- Advertisements --
UK Parliament
UK Parliament

Inaasahan na ang showdown sa pagitan ni UK Prime Minister Boris Johnson at kanilang mga miyembro ng parliyamento bukas.

Nakatakda kasing ihain ni Johnson ang nabuong deal para sa tuluyang paghiwalay ng United Kingdon sa European Union na kilala sa tawag na Brexit deal.

Kumpiyansa naman ang lider ng UK na aaprubahan na rin ng mga member of parliaments (MPs) ang kanyang Brexit deal.

Pero ayon sa ilang mga observers mahihirapan pa rin at dadaan sa butas ng karayom sa parliyamento ang naturang kasunduan.

Sinasabing huling tiyansa ito ng Prime Minister na makuha ang matamis na “oo” ng mga mambabatas bago ang Brexit deadline sa October 31.

Kung matalo muli sa botohan ang Prime Minister muli siyang babalik sa European Union para humingi na naman ng panibagong extension hanggang January 31, 2020.

UK PM BORIS