Binigyang diin ng CHED na hindi permanenteng solusyon ang pagkakaroon ng SHS program sa mga state at local universities.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, ang hakbang na programa ay dapat tulong lamang para sa mga estudyante sa transition period.
Matatandaang nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na magpapatuloy pa rin ang K to 12 Program.
Ito ay sa kabila ng paghinto ng pag-aalok ng SHS program ng maraming mga government-run higher education institution.
Aniya, wala sa kapangyarihan ng komisyon na i-abolish ang K to 12 program.
Ito ay isang batas na pinagtibay ng Kongreso at ang K to 12 ay magpapatuloy alinsunod sa Republic Act na lumikha ng programa.
Gayunpaman, itinuro niya na ang panahon ng transition ay dapat na natapos noong 2021.
Kaya aniya, wala nang legal na batayan para sa mga SUC at LUC na magpatuloy sa pag-aalok ng SHS Program.