-- Advertisements --

Walang humpya na pasasalamat ang ipinapaabot ng pamilya Aquino sa maraming mga nakiramay at nagdarasal sa kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ng dating Pangulong Nonoy Aquino.

Naging mabilis ang pangyayari.

Aminado ang iniwang pamilya ni PNoy na gulat sila.

Sa loob ng dalawang araw ay naihatid sa kanyang huling hantungan ang kanilang kapatid, katabi ng kanilang mga magulang.

ballsy cruz pnoy
Ballsy Aquino-Cruz

Ang naturang pasanin sa pag-asikaso sa lahat at ang sakit ng kanilang naramdaman ay naging magaan daw dahil sa mabilis din na tulong ng mga kaibaigan na bukas sa kanilang pamilya.

Para kay Kris Aquino mas higit pa sa aktibidad at pagbibibigay pugay sa kanilang kapatid bilang naging presidente ang kanila sanang iaalay.

Kasama na sana ang pagsasagawa ng lamay sa Malacanang para sa state funeral.

Pero dahil nga sa nagkataaon din na umiiral ng krisis sa pandemya, naging simple ang lahat.

Sa pagsasalita naman Ballsy Aquino-Cruz matapos ang misa sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, binalikan ang isa sa mga pag-uugalai ng kanilang kapatid.

Tulad ng ayaw na ayaw nitong maging pabigat siya at hindi sila nag-aalala.

Ito na marahil ang dahilan na sa gitna ng karamdaman ay maraming bagay na sinarili ni PNoy ang kanyang dinaramdam.

ballsy pinky kris pnoy

Sa kanyang mangingiyak na pagsasalita, nagbigay pugay din si Ballsy at tinawag na ang tinahak na landas ni Noynoy ay bilang pagpapatuloy sa mga hindi nagawa ni Ninoy at dating Pangulong cory.

“Si Noy ayaw nya talaga na maging pabigat siya,” ani Aquino-Cruz. Ayaw niya na kami’y nag-aalala at ayaw nIya na hindi kami nakakatulog dahil sa pag-iisip sa kanya.”

Una nang sinabi ni Ballsy na ngayong nakapiling na raw ni PNoy ang kanilang mga magulang ay “mission accomplished” na ito dito sa lupa.