-- Advertisements --
Pascal Siakam
Pascal Siakam/ IG post

Ninanamnam pa sa kasalukuyan ni Toronto Raptors star Pascal Siakam ang kanilang kampeonato.

Ito ay matapos na hindi na nagbigay pa ng anumang reaksyon ng makapanayam ng mga mamamahayag sa paglipat ng kanilang Most Valuable Player Kawhi Leonard sa Los Angeles Clippers.

Sinabi ng Most Improved Players, abala sila sa kanilang kampeonato.

Dagdag pa ng 25-anyos na manlalaro na kaniya na lamang bibigyan ng atensiyon ang nasabing usapin kapag nagsimula na ang bagong NBA season.

Ipinaggiitan nito na normal lamang sa NBA na magkaroon lamang negosyo.