BUTUAN CITY – Nakatakdang magdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Surigao del Norte dahil sa nag-aambang energy crisis hatid ng mag-iisang linggo na na kawalan nila ng suplay ng kuryente.
Ito’y matapos inihain kahapon ang resolusyon para dito matapos na maputol ang submarine cable ng Siargao Island Electric Cooperative o SIARELCO ning Linggo kung kaya’t hanggang sa ngayo’y hindi pa naibalik ang linya ng kuryente.
Malaki ang pasasalamat ng mga residente sa Dapa, sa naturang isla sa Bombo Radyo dahil nalaman nila ang totoong sitwasyon at ang naka-ambang state of calamity sa kanilang isla.
Ayon kay Max Anghelo Savandal, maliban sa wala silang magamit sa komunikasyon, tanging Facebook lamang at mga haka-haka lang ang kanilang nasasagap lalo na ang umano’y isang buwan pa silang walang kuryente.
Hindi rin sila makapagtrabaho ng maayos dahil limitado lamang ang mga gumaganang generator sets sa kanilang lugar.