-- Advertisements --

BUTUAN CITY – All set na sa kanyang sasalihang International Qualifying Series 3000 (QS3000) ang Siargaonon professional surfer na si Noah Arkfeld na sinimulan na ngayong araw sa Okuragahama Beach sa port city ng Hyuga, Japan.

Ayon kay Arkfeld, matinding paghahanda ang kanyang ginawa para sa nasabing torneyo na tatagal hanggang sa Marso a-5, bago nilisan ang Pilipinas noong Linggo.

Sasalihan ang nasabing event ng mga surfers mula sa iba’t ibang bansa na inorganisa ng World Surf League o WSL.

Napag-alamang na-postpone ang QS3000 na gaganapin sana noon pang 2019 dahil sa COVID-19 pandemic.

Suportado naman ng probinsyal nga pamahalaan ng Surigao del Norte ang nasabing surfer dahil bitbit nito ang pangalan ng kanilang lalawigan.