-- Advertisements --

Muling nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko kaugnay sa planong pag-atake ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, batay sa kanilang intelligence report ay target salakayin ng rebeldeng grupo ang mga people oriented programs at mga infrastructure projects.

Hiling ng militar sa mga sibilyan partikular sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng bansa na kilalang may presensiya ng NPA na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

Umapela naman ang militar sa publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may mga nakikita at napapansin na mga kahina-hinalang mga indibidwal at sa kanilang mga ginagawang aktibidad sa mga komunidad.

Naniniwala ang militar na kapag nagtutulungan ang lahat, maiiwasan ang mga extortion activities ng NPA.