Nagbabala ang mga medical experts sa US na dapat asahan ng mga tao na babakunahan ng COVID-19 vaccine ang ilang mga side effects.
Sinabi ni Dr. Sandra Fryhofer ng American Medical Association, ang bakuna ay hindi lamang simple dahil mayroong side effects ang mga ito.
Ilan sa mga side effects ay ang pananakit ng katawan at matinding sakit ng ulo.
Dagdag pa nito, bago turukan ang mga pasyente ng nasabing bakuna ay ipaliwanag sa kanila ang matinding side effects na kanilang mararamdaman.
Sa isinagawang clinical trials ng Pfizer at Moderna na mayroong naramdamang side effects ang mga sumailalim nito.
Ang nasabing mga bakuna ay nangangailangan ng dalawang doses at bawat doses ay mayroong side effects.
Magugunitang inanunsiyo ng pharmaceutical giant na Pfizer at biotechnology company na Moderna na mayroong mahigit 90 percent ang effectivity ng kanilang bakuna.