CENTRAL MINDANAO-Sumuko sa militar at pulisya ang isa sa mga kanang kamay ng lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang rebelde na si alyas Kumander Omar,katiwala ni Kumander Kagui Karialan ng BIFF-Karialan faction.
Ayon kay 602nd Brigade Commander Colonel Joven Gonzales na si Omar ay sumuko sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa mamumuno ni Lieutenant Colonel Edgardo Vilchez Jr sa Barangay Salunayan Midsayap Cotabato katuwang ang LGU-Midsayap at Midsayap Municipal Police Station.
Dala sa pagsuko ni Omar ang isang 60 mm mortar.
Sinamahan ni Kumander Abdullah Dhats, Field Commander ng 105th Base Command, BIAF-MILF si Omar sa kanyang pagsuko.
Nakatanggap naman si Omar ng inisyal na tulong mula sa LGU-Midsayap.
Pinuri ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang LGU-Midsayap,PNP,34th IB,602nd Brigade at MILF sa matagumpay na pagsuko ni Omar.
Nanawagan si MGen Uy sa ibang BIFF,mga armed lawless group na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.