-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Angel Salazar sa eda na 69.

Ayon sa mga kaanak nito na natagpuan na lamang ang bangkay nito sa kaniyang bahay sa Brooklyn.

Hindi naman malaman kung ano ang sanhi ng kamatayan ng actor kung saan naniniwala sila na maaring inatake lamang ito sa sakit sa puso.

Nakilala ang actor bilang sidekick ni Al Pacino sa gangster film na “Scarface” na ipinalabas noong 1983.

Nakasama rin ito sa pelikula ni Tom Hanks na “Punchline” noong 1998 at 1993 na drama na “Carlito’s Way” kasama rin si Pacino.