Kumpiyansa si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na walang direktang epekto sa bansa ang nangyayaring sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Paliwanag niya, wala ni isa sa Russia at Ukraine ang major trading partner ng Pilipinas.
Aniya, posibleng collateral damage lamang ang maaaring tamuhin ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi rin ng opisyal na mararamdaman lamang ang “indirect shock” na epekto ng kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine sa apat na major channels ng bansa na kinabibilangan ng commodity market, financial market, investments, at epekto sa fiscal health ng bansa.
Samantala, sa kabila nito ay sinabi pa rin ni Dominguez na maaapektuhan pa rin ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ang presyo ng mga produkto dito sa Pilipinas.
Ito ay dahil ang Russia kasi aniya ang pangunahing exporter ng natural gas at wheat, habang ang Ukraine naman ang ika-apat sa pinakamalaking exporter ng mais.