-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Paglalagay ng sapat na signages sa Alicia – Angadanan bypass road ang nakikitang paraan ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) upang maiwasan ang mga aksidenteng kinakasangkutan ng mga motorista sa nabanggit lugar.

Kamakailan lamang ay nasawi ang Punong Barangay ng Aniog, Angadanan matapos maaksidente sa nabanggit na bypass road .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Ryan James Manglicmot, information Officer ng DPWH 3rd District Engineering Office na bilang aksyon sa mga naitatalang aksidente ay nakipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Alicia.

Bagamat ginawa ng kanilang tanggapan ang Alicia bypass road at naipasakamay na sa LGU Alicia ay tungkulin pa rin nilang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Dahill dito, inutusan na ang maintenance engineer para maglagay ng mga signages sa naturang kalsada.

Inihayag pa ni Engineer Manglicmot na batay sa maintenance point person na siyang nakatutok sa pagbabantay sa National road, inatasan din ng maintenance engineer na suriin ang bypass road.

Sa martes pa sisimulan ang paglalagay ng mga signages sa bypass road dahil parating pa lamang ang kanilang biniling gagamitin.

Naglagay na rin anya sula thermoplastic pavement markings dahil napansin sa isinagawang inspeksyon na hindi na makita ang mga markings sa bypass road.

Ang parapet walls na nagsisilbing harang sa gilid ng kalsada ay napansin din na walang reflectorize painting na kinakailangang ilagay dahil sa madilim ang lugar na maaring sanhi ng aksidente kapag hindi nilagyan.