-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ipapatupad ang signal shutdown sa Dinagyang Festival 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Rene Obregon, Chief ng City Operations and Management Unit ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na nag-request na sila ng signal shutdown sa National Telecommunications Commission.

Ninilaw naman ni Obregon, na ipapatupad lang ang signal jamming sa anim na mga judging areas at hindi sa buong lungsod.

Kabilang sa mga nasabing lugar ay ang Plaza Libertad, Iloilo Freedom Grandstand, Plazoleta Gay; Iloilo Provincial Capitol, Delgado-Quezon-Ledesma; at Mapa Street.

Ang signal jamming ay ipapatupad sa Enero 22 at magsisimula las 6:00 ng umaga hanggang las 2:00 ng hapon.