CEBU CITY – Posibling ipatupad ang signal jamming sa area kung saan isasagawa ang Sinulog Ritual Showdown sa South Road Properties.
Inihayag Cebu City Police Office Director, Police Colonel Ireneo Dalogdog, na nagpadala na ng request si PRO 7 Regional Director Brigadier General Jerry Bearis sa National Telecommunications Commission (NTC) para sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Colonel Dalogdog na importante ang nasabing security measure upang hindi ma-unahan ng mga lawless elements o ng mga grupo na may masamang plano para sa malaking aktibidad dito sa Cebu.
Aniya, ang signal jamming ay iba sa signal shutdown dahil ang signal jamming ay temporaryo lamang sa isang ‘specific area’ kung saan isasagawa ang isang aktibidad.
Binigyang-diin ni Dalogdog na nagsusumikap ang kapulisan at ang lahat ng law enforcement agencies upang matiyak na walay ‘worst scenario’ na mangyayari at walang ‘casualties’ na maitala sa Sinulog Festival 2023.
Habang, inirekomenda naman ng Cebu City Multisectoral Convergence Group kay Cebu City Mayor Michael Rama sa pag-ban ng mga street parties at pagbebenta ng alak sa mga dara-anang rota ng Sinulog grand parade bilang isa sa mga security precaution.
Ito’y kanilang ikino-konsidera upang matiyak ang kaayosan at kapayapaan sa buong lungsod, dahil kanilang inaasahan ang pagdagsa ng mga tao na lalahok sa mga aktibidad lalong-lalo na sa Sinulog grand parade, matapos ang dalawang taong hindi pagdaraos ng nasabing festival dito sa Cebu.