-- Advertisements --
image 387

Patuloy pa ring lumalakas ang Severe Trophical Storm na si Egay (international name: Doksuri) at inaasahang ngang magiging bagyo sa susunod na 24 na oras. Kaya naman itinaas na sa signal No.1 ang pitong lugar bago pa man ito maging super typhoon sa Martes.

Batay sa 5 p.m. weather bulletin ng state weather bureau, ang sentro ni Egay ay tinatayang 560 kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Sur, at kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras (km/h), at may lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 km/h.

Kaugnay niyan, narito ang listahan ng mga lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) 1, na nagsasaad na ang hangin na 39 hanggang 61 km/h o paputol-putol na pag-ulan ay maaaring asahan sa loob ng 36 na oras:

Catanduanes,
eastern portion of Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion),
northern portion of Aurora (Casiguran, Dilasag),
eastern portion of Isabela (Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Palanan, Ilagan City, San Mariano, Tumauini, San Pablo, Cabagan),
eastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca),
northern portion of Eastern Samar (San Policarpo, Oras, Arteche, Jipapad), and
eastern portion of Northern Samar (Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Catubig, Pambujan)