-- Advertisements --

Nasa signal No. 1 na ang Batanes bunsod ng Bagyong Egay.

Sa 5:00 PM bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), bahagyang bumilis si “Egay” habang ito ay kumikilos pa-kanluran hilagangkanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Huling namataan ang bagyo sa layong 545 kilometers sa silangan ng Casiguran, Aurora, nitong Linggo ng hapon.

Taglay pa rin ng Bagyong Egay ang maximum winds na 55 kilometro bawat oras at parehong bugso na 65 kilometro bawat oras.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, maliit pa rin ang tiyansa na tatama sa lupa ang bagyo pero patuloy na paiigtingin ang monsoon rains o habagat.

Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA hinggil sa mga posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Zambales at Bataan.

Sa Martes ng gabi o madaling araw ng Miyerkules tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Egay.