-- Advertisements --

Nagdeklara na ng tropical cyclone wind signal number one ang Pagasa sa mga sumusunod na lugar dahil sa bagyong Paeng: Northern portion ng Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad, City of Borongan) at eastern portion ng Northern Samar (Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Pambujan, Catubig, Las Navas).

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 660 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

May taglay na lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.