-- Advertisements --
Agad itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tropical cyclone wind signal number one (1) Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta), kasama na ang Pollilo Islands.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 300 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 10 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Kung hindi magbabago ang galaw at bilis ng sama ng panahon, sa gabi ng Miyerkules ang inaasahang pagtama nito sa kalupaan.