-- Advertisements --
Umiiral na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 805 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 55 kph.
Inaasahang lalakas pa ito bago tumama o lumapit sa Northern Luzon.