-- Advertisements --

Nakataas na ang tropical cyclone signal number one sa Eastern Samar at eastern portion ng Northern Samar dahil sa tropical depression Ramon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 670 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang napakabagal sa direksyong pakanluran.

Kung hindi magbabago ang kaniyang pagkilos, tutumbukin nito ang lalawigan ng Isabela sa darating na weekend.