-- Advertisements --
FBRRyVFUcAAiVT0

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa siyam na lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa Tropical Storm Maring.

Sa Luzon, nakataas ang Tropica Cyclone Warning Signal number 1 sa Catanduanes, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at northeastern portion ng Isabela (Santa Maria, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City at San Mariano).

Sa Visayas naman nakataas ang parehong warning signal sa Eastern Samar, eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos) at portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Hinabangan, Paranas).

Habang sa Mindanao, nakataas din ang signal number 1 sa Dinagat Islands at Surigao del Norte.

Huling namataan ang bagyong Maring sa layong 665 km east ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 85 kilometers per hour at pagbugsong 105 kph.

Bumagal ito at ngayon ay kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 10 kph.

Samantala ang dating tropical storm Nando ay humina pa at naging low pressure area (LPA) na lamang.