-- Advertisements --

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number two sa lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Ineng.

Habang nasa signal number one naman ang Cagayan, kasama na ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 580 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, lumakas pa ang bagyo sa nakalipas na magdamag.

Taglay na nito ang hanging umaabot sa 95 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 115 kph.

Dahil dito, itinaas na ito sa severe tropical storm category ng weather bureau.