-- Advertisements --

Itinaas na ang tropical cyclone signal number two sa northeastern portion ng Cagayan, kasama na ang Babuyan Group of Islands dahil sa paglakas ng bagyong Falcon.

Signal number one naman ang umiiral sa Batanes, nalalabing lugar sa Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, eastern portion ng Mt. Province at eastern portion ng Ifugao.

Mula sa pagiging tropical depression lamang, naging tropical storm na ito kaninang hapon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Tinatahak pa rin nito ang direksyong pakanluran sa bilis na 30 kph.