-- Advertisements --

Bahagyang humina at bumagal ang Bagyong Bising.

Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ngayong Linggo ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito hangin na 205 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at bugsong nasa 250 kph.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagangkanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, nananatiling nakataas ang signal No. 2 sa Catanduanes, gayundin sa Samar, Eastern at Norther Samar.