Itinaas na ang tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands habang lumakas ang Severe Tropical Storm Julian sa Philippine Sea sa silangan ng Cagayan, ayon sa state weather bureau ngayong Linggo ng umaga.
Dahil dito, maaaring asahan ang lakas ng hangin na higit 89 hanggang 117 km/h sa naturang bahagi ng Babuyan Islands sa loob ng hindi bababa sa 18 oras.
Batay pa sa state weather bureau, ang TCWS No. 2, ay itinaas sa Batanes, ang hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana), at sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is. ).
Maaaring asahan din ang hanging mas mataas sa 62 km/h hanggang 88 km/h sa loob ng hindi bababa sa 24 na oras.
Samantala, ang mga sumusunod na lugar naman ay isinailalim sa TCWS No. 1:
- Natitirang bahagi ng Cagayan
- Isabela
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Northern portion ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias)
- Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Maaaring makaranas ang mga ito ng hangin na nasa 39-61 km/h sa loob ng hindi bababa sa 36 na oras o paputol-putol na pag-ulan sa susunod na 36 na oras.
Una nang iniulat na alas-11 ng umaga, sinabi ng state weather bureau na ang sentro ng mata ni Julian ay tinatayang nasa layong 285 km silangan ng Aparri, Cagayan.
Mabagal itong kumikilos sa hilagang-kanluran, na may pinakamataas na lakas ng hangin na 110 km/h malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 135 km/h.