-- Advertisements --
241500190 4138183916291486 4323116489402866094 n

Bagamat inalis na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 ay nakataas pa rin naman ang Signal number 2 sa ilang lugar dahil sa epekto ng bagyong Kiko.

Sa pinakahuling weather bulletin ng Pagasa, nakataas pa rin ang TCWS No. 2 sa Batanes habang TCWS No. 1 naman sa Babuyan Islands.

Kanilang alas-10:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 145 kilometers north ng Itbayat, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour malapit sa gitna ang pagbugsong 230 kph.

Kumikilos pa ito pa-north-northeastward sa bilis na15 kph.

Tuloy pa rin ang paalala ng Pagasa sa mga apektadong residente dahil may epekto pa rin ang hangin ng naturang bagyo sa loob ng 18 hours.

Posible namang makalabas na ngayong Sabado ng gabi ang bagyong Kiko sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Magdadala pa rin naman ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang bagyo sa Babuyan Islands, northern portion ng Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga at Benguet.