-- Advertisements --
Agad na maglalabas ng tropical cyclone warning signals ang Pagasa, kapag nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Kammuri na tatawaging “Tisoy.”
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, layunin ng maagang abiso na makapaghanda ang publiko dahil malakas ang paparating na sama ng panahon.
Mararamdaman ang mismong epekto ng bagyo simula sa Martes at posibleng hagupitin nito ang ilang lugar na pagdarausan ng laro para sa SEA Games 2019.
Huling namataan ang sentro ng typhoon Kammuri sa layong 1,425 km sa silangan ng Visayas.
May lakas itong 130 kph at may pagbugsong aabot sa 160 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph lamang.