-- Advertisements --
Inalis na ng Pagasa ang signal number one sa Babuyan Group of Islands, habang nananatili naman ang wind signal sa Batanes dahil sa bagyong Hanna.
Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, huling namataan ang sentro ng typhoon Hanna sa layong 505 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Habang isang low pressure area (LPA) naman ang namataan sa layong 105 km sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Ang dalawang ito ang patuloy na nagiging sanhi ng paglakas ng habagat na nagdadala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa, kung saan inaasahang tatagal pa ang ganitong sitwasyon hanggang sa weekend.