-- Advertisements --
Inalis na ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone wind signals kaugnay sa bagyong Tisoy.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290 km sa kanluran timog kanluran ng Subic, Zambales.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
May lakas ito ng hangin na aabot sa 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang babala ng Pagasa sa mga residente ng Northern at Central Luzon na maghanda sa ulan at baha dahil sa isolated thunderstorm at pag-iral ng amihan.