-- Advertisements --

Posibleng magpa-iral ng tropical cyclone wind signal number one (1) sa ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa bagyong inday.

Kasalukuyan kasi itong nasa severe tropical storm category, habang inaasahang papalo pa sa typhoon level sa loob ng susunod na 24 na oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 495 km sa silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

May lakas itong 110 kph at may pagbugsong 135 kph.