-- Advertisements --
Maaaring maagang itaas ang tropical cyclone wind signals sa mga lugar na tatamaan ng tropical depression Obet.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), layunin nitong maalerto ang mga residente ng mga bayan na makakaranas ng hagupit ng sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 920 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 10 kph.
May taglay na lakas ng hanging 45 kph habang may pagbugsong 55 kph.