-- Advertisements --
image 291

Agad humingi ng paumanhin ang management ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa lahat ng mga pasaherong naapektuhan ng 30 minutong pagkakaantala ng kanilang operasyon.

Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit-3, ang nangyaring aberya dakong alas-1:55 ng hapon ay dahil sa problema sa signaling server.

Nang maganap ang insidente ay iniulat ng Control Center ang abnormal status ng signaling server sa North Avenue station.

Bilang safety precautionary measure, inabisuhan naman ang lahat ng pinakamalapit na train stations na huminto muna sa operasyon habang nagsasagawa ang technical personnel ng troubleshoot sa isyu.

Tumigil ang train movement ng MRT-3 line mula alas-2:05 hanggang alas-2:35 ng hapon.

Pagkatapos nitong maging normal ang signaling server ay bumalik na rin ang regular operations at muling tumako ang 14 CKD trains.