-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Hindi natuloy ang isasagawa sanang prayer rally ng mga estudyante at mga nagtuturo sa MSU main campus upang ipakita ang kanilang pagkondena sa pagbaril sa estudyanteng si Ivan Almeda.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan, kinumpirma ng isang alyas Riyal na pinigilan ng administrasyon ang isasagawa sana nilang hakbang sa loob ng Campus.
Una ng inahayag ni Riyal na malaking bilang ang inasahan nilang dadalo at makikisimpatya sa biktima sa kanilang hakbang lalo na’t nag imbeta sila ng mga media organizations.
Kasabay din sana ng prayer rally, ay isasagawa ang signature campaign upang maipaabot ang matagal ng problema sa Senado upang mabigyan ito karampatang aksyon.