-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ilang araw ang nakalipas ng kumalat ang video na pinagmumura ni Cagayan de Oro City Councilor Zaldy Ocon si dating Mayor Rueben Canoy sa loob ng isang Hotel sa Velez Street sa naturang lungsod.

Mayroon na umanong lumutang na grupo na naglalayong patalsikin ang media practioner sa pagiging konsehal nito sa lungsod.

Makikita kasi sa video na sinisigawan at pinagmumura ni Ocon ang 90-anyos na si Canoy na nakaupo sa kanyang wheelchair.

Sinabi ni Remove Ocon Movement spokesperson Nonoy Ilogon na hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa ng konsehal sa isang kagaya ni Ocon na person with disability (PWD) na dating mayor at kailangan itong kondenahin.

Dahil dito gusto ng grupo na makalikom na 50,000 pirma hanggang Hunyo 29 upang mapalawak ang kanilang panawagan.

Nag-ugat umano ang problema sa hindi pag ere ni Ocon sa “perspectives” ni Canoy.

Si Ocon ay isang komentarista ng RMN na pagmamay-ari ng mga Canoy ngunit agad naman itong tinanggal matapos ang insidente.