Maaari pa ring ipagpatuloy ang pangangalap ng mga lagda para sa isinusulong na people’s initiative na layong amyendahan ang Saligang Batas ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ito ay sa kabila ng pagsuspendi ng poll body ng lahat ng proceedings may kinalaman sa people’s initiative habang nakabinbin pa ang ginagawang pagsusuri at rebisyo sa Resolution ng komisyon para sa guidelines ng PI.
Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco hindi nila pagbabawqlan ang pangangalap ng mga lagda subalit hindi na muna sila tatanggap o bibilangin ang isinumiteng signature forms.
Saad pa ng Comelec official na hindi pa nila matukoy ang kabuuang bilang ng mga lagda hangga’t ang ma-collate ang signature sheets sa oras na maihain ang petisyon para sa PI.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi na tatanggap ng formal petition ang poll body dahil magiging unfair ito para sa mga nagsusulong ng inisyatibo matapos ang naging desisyon nito na suspendihin ang lahat ng proseso may kaugnayan sa PI.