Inihayag ng Commission on Elections na ang mga signature sheet na isinumite sa mga lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ay walang expiration.
Ngunit giit ng komisyon na kailangang amyendahan muna ng mpoll body ang mga patakaran sa people’s initiative (PI) bago ito magamit.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, na walang timeline kung kailan matatapos ng Comelec panel ang rebisyon ng Resolution 10650 na namamahala sa PI.
Aniya, ang kanilang tinututukan ngayon ay ang voter registration mula Pebrero 8 hanggang Setyembre 30.,
Gayundin ang pagbili ng mga kagamitan para sa May 2025 midterm elections.
Matatandaang sinuspinde ng Comelec en banc nitong Lunes ang lahat ng proceedings kaugnay sa signature campaign para amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng PI, kabilang ang pagtanggap ng signature sheets.
Sa ngayon, 209 na distrito mula sa kabuuang 254 ang nagsumite ng mga form ng lagda.
Sinabi ni Garcia na pitong milyong pirma ang naisumite at natanggap ng mga lokal na tanggapan ng Comelec.
Sa ilalim ng umiiral na mga panuntunan, ang kampanya ng lagda ng PI ay dapat makakuha ng 3 porsiyento ng lahat ng mga rehistradong botante sa lahat ng 254 na distrito at 12 porsiyento ng mga botante sa buong bansa.